Nakakarma sa Kababuyan at Kabastusan

 

 

 

 

 

Ang site na ito ay apolitical. Nguni’t paminsan-minsan, hindi natin maiiwasan ang
pagbibigay ng mga komentong maaaring masabing may pagka-political pero
maari naman nating mai-relate sa tema ng site – ang paghubog nang tamang
pag-uugali sa ating pag-aaral. Nais ko rin naming maging socially relevant din
tayo dito. Ang pag-aaral ng karunungang lihim ay isang bagay na hindi dapat
naka-confine sa isang ivory tower.

Isa sa palagi nating ipinapasubali sa ating mga participants sa paggamit ng
karunungang lihim ay ang karampatang pagibibigay ng importansya sa konsepto ng
karma at karmic justice. Napapaloob iyan sa isang popular na biblical
quotation: ”Whatsoever a man sows, that shall he also reap.”  And of course, nandiyan ang Golden Rule   Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”  Kaya palagi nating pinapasubalian ang mga naeenganyo sa paggamit ng mahika negra – ingat lang kayo at baka kayo makarma.

Sometimes the best way to drive this lesson home is to relate it to actual things that are
happening around us that we are all familiar with.

Noong kasagsagan ng impeachment issue laban sa dating Punong Mahistrado ng Pilipinas,
isa sa kakatwang inasal ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay ang tahasang
pambabastos at pangungutya sa dating Punong Mahistrado sa harap ng mga tao.
Ilang beses niyang ginawa yun at siguro naman pamilyar kayo sa mga news
accounts tungkol diyan.  Nasabi ko noon sa aking sairili habang nanood ng TV Patrol: Bakit naman kaya kailangan niyang bastusin ang tao nang harap-harapan? Hindi naman bastos ang kaniyang mga magulang at galing naman siya sa paghubog ng isang pinagpipitaganang paaralan.

At kung babalikan naman natin ang nakaraan, kahit ang tatay niya na nakulong na
at lahat ay hindi ni minsan binastos ng harap-harapan ng mortal niyang kaaway.
At wala akong maalalang naging bastos na pangulo – at least sa harap ng
publiko. Parte ng ganyang kataas na posisyon ay ang pagiging “statesman” ‘ika
nga. Ang pagiging suave sa kaniyang pananalita at ang hindi panghihiya sa
publiko kahit sa kaniyang mga nakakatunggali sa politika o anumang larangan.

Pero iba ang pangulong ito. Malakas ang pagka self-righteous pero napakabastos. Malamang makakarma ito, sabi ko sa sarili ko.

Karma has a peculiar way of dispensing justice. Kung minsan napakatagal bago dumating ang karmic reaction, pero kung minsan mabilis. At heto tayo ngayon, in just a
matter of one year, we are witness to some kind of karmic retribution.

Hindi ito tungkol sa guilt ng dating Punong Mahistrado na to a certain extent ay napatunayan naman. Ito ay tungkol sa mga pamamaraang ginawa na hindi maituring na parte ng “Daang Matuwid” ano man ang kinahinatnan nito. Sabi nga natin: You can’t right a wrong by doing what is wrong.

At heto na ang resbak ng Karma. Isang indikasyon na karma ang gumagalaw ay ang
synchronistic play of words na madali nating ma pick up:

Ang pangulong tinataguriang Pork Barrel King. Ang pangulong asal baboy. Nakakarma sa kaniyang kababuyan at kabastusan.

Photo credit: http://professionalheckler.wordpress.com/

 

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *