Untangling Spell o Paano Makawala sa Isang Masalimuot na Sitwasyon

Kung minsan, dahil na rin sa sarili nating mga kagagawan, nagkakaluko-loko tuloy ang ating buhay. Nandiyan yung mahusay naman sana ang takbo ng ating buhay pero nang dahil sa kung sa anu-anong selfish motivations sa ating pag-iisip, nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi naman dapat gawin pero nagagawa rin natin. Ang resulta — ang buhay natin ay nagiging parang isang bola ng sinulid na nagkabuhol buhol at napakahirap tuloy ituwid uli nang mahusay.

Tignan nyo na lang ang mga maiinit na balita sa ating paligid sa kasalukuyan. May mga taong mahusay naman sana ang takbo ng buhay. Mapepera. Gumagalaw sa mataas na lipunan. Kayang magparty kahit araw-araw. Pero pinili pa ring pumasok sa isang magulong sitwasyon. Kaya hayun — nagkakabuhol-buhol ang buhay na sa pakiwari ay mahirap nang kumawala.

Kung kayo ay nasa ganyang sitwasyon, maaari kayong gumawa ng isang untangling spell. Ang kailangan lamang ay taimtim na pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa Diyos at sa taong nasaktan nyo, kung meron man. Ang paghingi ng kapatawaran ay maaaring gawin sa isip lamang basta sincere kayo.

In that contrite frame of mind, kumuha ng isang lubid na may sapat na haba such that maaari nyong buhulin ito ng 28 times. Buhulin nyo ang lubid sa araw ng kabilugan ng buwan. Hintayin ang hatinggabi. Pagdating ng hatinggabi, patayin ang ilaw ng kuryente sa inyong silid at magsindi ng isang kandila — kung may kandilang itim kayo, mas maganda ang itim, pero kung wala naman puwede na ang puti.

Umupo kayo sa harap ng kandila at sambitin ang spell na ito:

Kalagin ang buhol sa buhay ko,

Pagtutuwid kasihan ako,

Lubos na nagsisisi sa mga nagawa ko,

Nawa’y ituwid mga bunga ng pagkakamali ko.

Pagkasambit sa huling kataga, kalagin agad ang isang buhol sa lubid. Hipan ng malakas ang kandila at pagkapatay ng sindi nito, sabayan mo agad ng tulog.

Ulitin ang proseso sa loob ng 28 araw tuwing ika-12 ng hatinggabi.

 

 

 

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *